pagbabago ba ito?

Posted: November 25, 2009 in araw-araw
Tags:

Unahin natin ang picture na ito: maraming nagtatanong kung ako nga ba ang taong nasa picture na ito:

—————- opo!!! ako po yan! ——————–

nagkataon lang na black and white ang pagkakuha ng image kaya mukhang artista… hehehehe (artista sa horor film – si dracula!)

sabi nga ng isang madre namin…  sana daw picture nalang ako!!!!

ngayon lang po ako ulit naka pag update ng blog ko dahil nga masyado akong abala sa maraming bagay (parang meron no?!) anyway, sa awa ng DIYOS  na-iahon ko naman ang aking first semester sa San Carlos Seminary! Amen – dahil pasado ako hehehehe…

maraming mga pangyayaring nagdaan sa nakalipas na ilang buwan, merong magagandang karanasan, meron ding malungkot! sympre hindi naman pwedeng buwagin ang kambal na ito (si masaya at si malungkot): unahin natin si magagandang karanasan:

  • nagkatipon-tipon kami noong october 20-25 para sa aming Formandis Big day doon sa NOvitiate namin sa Bulacan. hehehehehe masaya dahil madami kaming panalo (go! St. Jean Marie Vianney team!). volleyball lang ang hindi kami champion. nakakatuwa sapagkat ang daming mga kapatid ang nag-aasaran at kung minsan nga e mukhang mag susuntukan! buti nalang mga seminarista kami kaya medyo nagpigil pa ang iba!
  • nagkaroon kami ng concert for a cause sa sta.cruz church noong october 16 may mga pictures ako doon sa facebook ko, paki visit nalang.
  • nakapag spent ako ng aking undas sa novitiate: masaya dahil wala akong ginawa kundi magdasal at matulog… hehehehe. hindi naman, meron akong inayus regarding sa aking nakaraan. hay nalang… sana lang natuldukan na iyon! nagkita kami ng alaga ko dun (si eymard) kaso lang di ako masyadong kinausap nag-bago na ata siya… hehehehe well ganun talaga ang buhay! nakakalungkot nga lang…
  • back to skul na kami last november 5: ang saya-saya, sapagkat makikita ko na naman ang aking mga makukulit na mga kaklase! nakakamiss din yung mga lokong yun!

ang mga nakatala sa taas ay iilan lamang sa mga magagandang karanasan na aking naalala, si malungkot ay hindi ko na kailangang isulat gawa nga ng may mga taong madadamay, at ayaw ko namang isipin nilang binubuntong ko ang aking sama ng loob dito sa blog ko, at ayaw kong maging sanhi ng kaguluhan ng buhay ng may buhay… kung sobra na ang mga nangyayari at hindi ko na siguro kaya ay mapipilitan akong isulat ang mga iyon dito sa blog na ito… sa mga nanakit ng loob ko PEACE tayo dyan…  🙂

salamat!

Leave a comment