December 08, 2004, feast Our Lady of the Immaculate Conception. ito ang araw kung saan sa dinami-rami ng application ko sa ibat-ibang Congregation few weeks before ng piyestang ito ay natanggap ako sa Congregation of the Blessed Sacrament (SSS). hindi ako stable that time sa trabaho dahil ayaw ko ng environment sa trabaho ko, kadalasan kasi pang gabi ako, masiyado akong malusog kaya inaayawan ko. minsan pag merong magandang oppurtunity, wala naman akong perang pang-gastos kaya sayang din. dahil diyan sabi ng dati kong provincial superior Rev. Fr. Sebastian Luistro, SSS: “pumasok kana para may direction ang buhay mo!”. tama nga naman si Fr. Bong. Kaya buong puso kong tinanggap ang akala ko e maging buhay ko na… seven years past.
PAIN: naging mabangis ako sa loob ng seminaryo. mabangis hindi dahil sa gusto ko lang ngunit dahil sa tingin ko ay hindi na tama ang nakikita ko. may mga pagkakataong naging marahas pa ako. sabi nga ng ibang kaParian (at sana kung nakinig lang ako, di sin sana’y nag e-exist pa ako ngayun as a seminarian!!! hehehehe) “okay lang na maging outspoken at palaban, ngunit isipin mong formands ka palang”. natatawa ako pag naalala ko ang mga sinasabi nila sakin. kudos sa mga Paring yun! alam niyo po kung sino-sino po kayo! tama po kayo, nakakabawas pala ng bokasyon ang pagiging palaban kahit na sa tingin mo ay tama ka hehehehehehe. pero hindi ko kayang magbulag-bulagan: siguro nga para maging fair sa mga gumagastos sakin sa pag-aaral ko sa seminaryo kung saan pinapakita samin kung anu talaga ang tama at ang mali – kaya nagawa ko ang mga kabangisan at karahasan ng mga panahong iyon. aba! ako po ay pinapaaral sa isang magandang Theological School dito sa kalakhang Maynila at proud na proud ako dahil dun ako nag-aral! natoto ako dun! salamat sa lahat ng aking mga naging mentor doon. sa paaralang ito ay inukit sa isipan namin ang mga nangyayari sa Inang Simbahan: mga bagay bagay na kailangan hindi na maulit at dapat pagtuunan ng pansin – matotonan para narin sa DIYOS. mali lang ako ng buwelta dahil nga estudiyante palang ako… anyway, masakit man sakin ang paglabas ko sa seminaryo pero tanggap ko naman kahit papano… the pains will remain… pero walang mangyayari kung mamumuhunan ako sa galit! salamat sa mga taong naging part ng buhay ko at tinanggap ako na ako nung nandyan pa ako sa loob ng seminaryo! SALAMAT GUYS!!!!
POSTULANCY: masaya, masarap ang buhay sa postulancy. MASAYA dahil very welcoming ang mga tao sa Davao pati mga profess na kasama namin dun (not to drop names, baka magalit hehehehehe). may konting tampuhan pero hindi ganun ka tindi. tawa dito, halakhak doon… ganito siguro talaga ang buhay pag nag uumpisa palang, puro kasiyahan… okay na okay ang mga tao sa Davao mula sa cook namin sina ate joy-joy at ate jenny at sa lahat ng kasama namin sa bahay… sa mga naging benefactors namin dun na napaka generous, pinapalaki ang mga katawan namin sa dami ng pagkaing pinapadala sa amin! salamat po sa inyo! MASARAP dahil napaka init ng pag tanggap sa amin ng congregation, para kaming mga babies na tudo alaga, may yaya pa hehehehehehe salamat po sa iyo mahal naming postulant director! basta hindi matutumbasan ng kahit anong salita ang ala-alang dulot ng DAVAO! 🙂
NOVICE LIFE: hindi naman buong buhay ko sa loob ng seminaryo ay puro karahasan at kabangisan (grabe mga terminology ko hehehehehehe) ang totoo nga e mas marami ang kasiyahan at tawanan!!! marami akong natotonan at doon sa loob lang ng seminaryo ko lang natanggap ang kung sino ako dahil sa laking tulong ng aking novice master na si Rev. Fr. Reynaldo R. Capili, SSS. mahal na mahal ko itong paring ito at makikipagpatayan ako sa kung sino man ang mananakit dito!!! kay Fr. Rey ko lang naranasan ang ma-reject pero alam mo kung bakit ka na reject. sa kanya ko lang naranasan ang maiwang mag-isa sa novitiate dahil alam niya na puro gala ako nung wala pa ako sa seminaryo… hehehehehehehe sarap isipin ang mga oras na ang mga tao sa paligid mo ay tanggap ka, kailangan ka at mahal ka! maalala ko pa noon pag may lumalabas sa seminaryo… ang mga brothers dahil siguro sa matinding bonding e pag exit ng isang brother e kanya-kanya na kaming hanap ng lugar para umiyak!!!! hehehehehe dati maka apak lang kami sa sm tuwang tuwa na kami. napaka simple lang ng buhay namin sa seminaryo, pero napakasaya dahil maraming taong gusto kang maging kaibigan at makikilala. miss ko na mga alaga namin dun: si whizcaz, si ilo, si tina, at ang buong novitiate house – mga kasama namin dun at mga taong nakapaligid at tumutulong doon!
SCHOLASTIC LIFE: pag naaalala ko ang buhay ko bilang scholastic tawa ako ng tawa. ito ang pinaka crucial na bahagi ng buhay ko bilang seminarista. una, dahil nag invest na ako na ito na ang magiging buhay ko kaya todo open na ako ng buhay ko sa mga tao na akala ko e maiintindihan ako… hehehehehehe, ngunit mali pala ako sa ginawa ko, dahil naging mitsa pala ito ng pagtanggal sakin.pangalawa, grabe ang crisis ko dito dahil ang tindi ng sakripisyo ko para sa bokasyon ko. ito yung time na kailangan ko ng panindigan na hindi na ako para sa outside world: goodbye na sa lahat ng makamundong bagay, goodbye na sa personal na pagmamahal, basta detachment (superlative degree) hehehehehehe. mahirap pero nakaya ko dahil din sa tulong ng mga naging totoo sakin na mga kapatid ko sa EFC (Eymard Formation Center) alam niyo kung sino-sino kayo at malaking tulong niyo sakin! nalulungkot talaga ako pag naaalala ko kayo. pero for sure magiging isa ako sa apostolate niyo dahil alam niyong kailangan ko ng guidance (ngeek may ganun!) lalong-lalo na kung magiging pari na kayo! naku! magiging obligasyon niyo ang Spiritual life ko! hala kayo mahirap-hirap to!pero salamat sa inyong pang-uunawa, pag-tanggap at pagmamahal! Rev. Fr. Froilan Briones, SSS at Br. Reynaldo Acabado, SSS – salamat po! sa mga kasama namin sa bahay, sa mga naging kaibigan ko sa apostolate areas ko, sa mga naging klasmeyt ko sa San Carlos Seminary at sa lahat-lahat na tumulong at naging malapit sakin noong nasa EFC pa ako, SALAMAT PO!
February 19, 2011, feast of Our Lady of Lourdes: decision time ng council, friday evening ng pinatawag ako ng local superior ko at sinabing hindi na ako makaka renew ng aking vows! sa paglabas ko ng IC (individual conference) room, sympre todo balita ako sa mga close ko na naghihintay na sa labas dahil sila din ay may idea na dahil noon ko pa sinabi na nararamdaman ko na na hindi na ako paparenew ng vows. ayaw nilang maniwala hehehehehehehe artistahin e kaya magaling magtago ng emosyon. naniwala nalang sila dahil nakita na nilang natulo na ang luha sa aking mga mata ng wala man lang hikbi! ibig sabihin totoo na ang balita hehehehehehe grabe nun parang soap opera ang nangyayari hehehehehehehe. ramdam ko nun kung “who’s with me and against me”. masakit! oo naman, di ko inakala na wala na pala yung buhay na pinaglaanan ko ng panahon.sobrang sakit! mas masakit pa sa iniwan ka ng girlfriend mo. well, ganun talaga ang buhay ko, sanay naman ako sa rejection e, pero talagang wala na! hindi na maibabalik pa!
MOVING-ON: ang tagal kong nag ipon ng lakas ng loob para maisulat ang mga ito dahil alam kong may mag re-react pero na isulat ko ito hindi dahil wounded ako mapa hanggang ngayon kundi dahil tanggap ko na ang nangyari sakin! masakit parin, pero ganun talaga! may mga benefactors ang congregation na nanghihinayang at ang sabi e pasok ako sa iba. isa lang ang sagot ko sa kanila: “wag muna po ngayon, baka po madala ko pa ang galit na ito sa ibang congregation, unfair naman po sa kanila”. sa pag daan ng panahon, gusto kong ma hilumim ang kung ano mang sugat ang nandito sa puso ko! lalong-lao na ang galit!sabi nga ng isang quotation “when God take something from your grasp, He’s not punishing you, but merely opening your hands to receive something better.” at naniniwala ako dito. hindi ko man kayang magpatawad sa ngayon, ngunit alam kong kaya kong magpatawad at alam ng Diyos kung anu ang totoo at handa naman akong tanggapin ang kung ano man ang nakalaan sakin. hindi niya ako pinarurusahan.SALAMAT SA DIYOS!!!! at salamat sa lahat!!!
THE BLESSED VIRGIN MARY: naranasan ko ang Religous Life dahil sa guidance ni Mama Mary (Our Lady of the Immaculate Conception), naghirap ako at nakasurvive dahil sa tulong niya at maski sa paglabas ko ay naandiyan parin siya (Our Lady of Lourdes). alam kong mapa hanggang ngayon ay ginagabayan niya parin ang buhay ko!!! salamat po MAMA MARY! – pray for me always!
kasama po ng Inang Maria pag patuloy niyo po ang pagdasal sakin… mas kailangan ko po yan sa ngayon!!!
MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG LAHAT!